Tuesday, April 21, 2009
Table # 56, Chowking, Legazpi City
Matiyaga nyang hinintay
Ang isang pork Chow Fan
Na may extra dumplings,
At ‘go large' pineapple juice.
Doon sa mesang dapat sana'y
pang dalawahan,
Papatirin niyang mag-isa ang uhaw,
Solong bubunuin ang isang mangkok,
Magtatanong
kung kailan din kaya niya pwedeng
orderin
Ang pag-ibig mong
Pang dine-in o take-out.
Upang papakin sa de-kutsong hapag
Bago mapasma sa paglipas
Ng katanghaliang tapat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment